-- Advertisements --

Pumalo na sa 133 na bata ang nasawi matapos na uminom ng medicinal syrup sa Indonesia.

Karamihan sa mga biktima ay nagtamo ng acute kidney injuries.

Dahil dito ay ipinagbawal na ng mga doctor sa Indonesia ang lahat ng uri ng medicinal syrup para sa mga bata.

Sinabi ni Health Minister Budi Gunadi Sadikin na mayroong 241 na kaso ng mga acute kidney injury sa 22 probinsiya na mayroong 133 nasawi.

Nagtataglay kasi ang nasabing syrup ng ethylene, glycol, diethylene glycol at ethylene glycol butyl.