-- Advertisements --
Magpapatupad ng apat na araw na lockdown ang Kamara sa Batasang Pambansa dahil sa “alarming” na pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases sa Metro Manila.
Ang naturang lockdown ay magsisimula ngayong araw, Marso 18, at tatagal ng hanggang Linggo, Marso 21.
Ang mga committee hearings, public hearings at iba pang events sa Kamara na naka-schedule sa gitna ng apat na araw na lockdown ay isasagawa na lamang sa pamamagitan ng Zoom at iba pang livestreaming platforms.
Kamakailan lang, dalawang kongresista ang nagpositibo sa COVID-19: sina Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor at Majority Leader Martin Romualdez.