-- Advertisements --

Nagpasa ang mga mambabatas sa Finland ng panukalang batas ng pagpayag ng pagsasagawa ng harang sa border nila ng Russia.

Ang nasabng harang ay para maisara na ang 1,300 kilometer na frontier mula sa mga asylum seeker.

Kinukuwestyon ng ilang mga mambabatas ang nasabing panukalang batas dahil sa ito ay labag umano sa asylum rules g European Union subalit hindi nagpatinag ang supermajority kaya naipasa ito.

Nakasaad din dito ang pagdesisyon ng gobyerno na magtay ng pader o harang malapit sa border kung saan tumatawid ang maraming mga asylum seekers.