-- Advertisements --
Kinumpirma ni Batangas Vice Gov. Mark Leviste na siya ay nagpositibo sa COVID-19 (Coronavirus Disease 2019).
Base aniya ito sa resulta ng swab test na isinagawa sa kanya at kanyang mga kasambahay noong Hulyo 28.
Kahapon, kasabay ng unang araw ng Agosto lamang aniya nila natanggap ang resulta ng naturang test kung saan nagnegatibo naman ang dalawa sa kanyang mga kasambahay.
Magmula nang sumailalim sa swab test, sinabi ni Leviste na siya ay naka-isolate na malayo sa kanyang pamilya.
Nakipagtulungan na rin aniya siya sa mga otoridad para sa contact tracing.