-- Advertisements --
BEIRUT – Sisimulan na ng Jordan ang pagbakuna sa mga batang edad 12-anyos pataas laban sa COVID-19 simula ngayong Linggo.
Sinabi ng kanilang state news agency na ang mga batang ito ay maaring turukan ng bakunang gawa ng Pfizer-BioNtech basta may approval ng guardian nito.
Ang desisyon na ito ay kasunod na rin nang pagbawi ng Jordan sa karamihan sa mga restrictions simula nang magbukas ang buwan ng Hulyo.
kabilang na rito ang muling pagbubukas ng mga gyms, pools at night clubs sa mga hotes makalipas na bumaba ang bilang ng mga naitalang kaso kasunod ng peak noong Marso. (Reuters)