-- Advertisements --

Nananatili na lang sa lalawigan ng Batanes ang tropical cyclone wind signal number one (1) kaugnay ng bagyong Carina.

Ayon kay Pagasa forecaster Ariel Rojas, inalis na ang ibang babala dahil humina na ang sirkulasyon ng sama ng panahon.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 95 km sa kanluran hilagang kanluran ng Basco, Batanes.

Kumikilos ito nang pahilagang kanluran sa bilis na 25 kph.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging 45 kph at may pagbugsong 55 kph.

Inaasahang mamaya ay hihina na ito, hanggang maging low pressure area na lamang.