-- Advertisements --

Tiniyak ng lokal na pamahalaan ng Batanes na lahat ng locally stranded individuals (LSIs) na bumabalik sa isla ay kaagad sumasailalim sa screening at dinadala sa isolation facility ng probinsya sa oras na magpakita sila ng sintomas ng COVID-19.

Ito’y matapos makapagtala ng ikatlong kaso ng coronavirus ang probinsyta ng Batanes.

Isang 82-anyos na residente ang umuwi sa nasabing probinsya noong Disyembre 9 ang nagpositibo mula sa nakamamatay na virus.

Base sa kumpirmasyon ng lokal na pamahalaan, nagpakita ng sintomas ng COVID-19 ang pasyente kaya kaagad itong dinala sa isang resort para doon sumailalim sa isolation.

Nag-negatibo naman mula sa nakamamatay na sakit ang mga nakasama nito.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ang Batanes LGU ng intensive contact tracing para naman sa mga nakasalamuha ng pasyente.