CENTRAL MINDANAO- Kilala at tukoy na ng mga otoridad ang isang menor de edad na nanununog ng mga kabahayan at tindahan sa Kabacan North Cotabato.

Ito mismo ang kinumpirma ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr.

Matatandaan na ilang kabahayan na at mga tindahan ang sinunog ng serial arsonist na bata sa bayan ng Kabacan.

Unang nahuli ang kasama ng suspek sa operasyon ng pulisya at mga force multipliers sa Kabacan.

Bago lang ay isa namang bahay at tatlong tindahan ang sinunog ng isang bata na nagdulot ng pagkabahala ng mga residente.

Ngunit pinawi naman ni Mayor Herlo Guzman Jr ang takot at pagkabahala ng mga residente lalo na ang mga negosyante sa Kabacan.

Sinabi ng alkalde na tukoy na nila ang nag-iisang nalalabing suspek na bata na may deperensya sa pag-iisip.

Sa ngayon ay araw at gabi na nagbabantay ang mga pulis,BPAT,mga Force Multipliers katuwang ang 7th IB sa bayan ng Kabacan kung saan patuloy na tinutugis ang suspek.