NAGA CITY – Naglaan ng higit P5-milyong halaga ng makinarya ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa kada bayan ng
Ito’y kaugnay ng isinagawang Camarines Sur Agri Business Tourism Summit 2020 sa lungsod ng Iriga na may temang “Negosyo, Agrikultura Orgulyo ko”.
Humarap sa pagtitipon si Sen. Cynthia Villar kung saan ipinaliwanag nito na ang mga nasabing makinarya ay magagamit sa pagconvert ng mga basurang plastic sa mga school chairs.
Ayon kay Villar, ito’y makakatulong hindi lamang sa pagbawas ng plastic sa bansa maging aniya sa produksyon ng mga upuan sa mga paaralan.
Bahagi raw ang mga makinarya sa DENR 2020 plan on budget na magbigay ng makinarya sa lahat ng probinsya at lungsod sa buong Pilipinas.
Samantala, tiniyak naman ni Villar na lahat ng bayan sa buong bansa makakatanggap ng nasabing makinarya