-- Advertisements --
Pumanaw na ang bassist ng legendary English rock band na The Smiths na si Andy Rourke sa edad na 59.
Ayon sa dating gitarista nila na si Johnny Marr, na ilang taon ng lumalaban sa pancreatic cancer si Rourke.
Humiling ng privacy ang mga kaanak nito na iginagalang naman ng kanilang mga fans. Naging bahagi si Rourke ng banda noong 1982 hanggang nagka-hiwalay ang banda noong 1987 bago ang paglabas ng kanilang ikaapat na studio album na “Strangeways, Here We Come”.
Sa nasabing paghihiwalay ng grupo ay nakasama niya ang singer ng banda na si Morrissey sa kaniyang solo projects na nakasama ang ilang mga sikat na singers gaya nina Sinead O’Connor, The Pretenders, Badly Drawn Boy at ang gitaristang si Aziz Ibrahim.