Posibleng mabili ng hanggang $5-milyon ang jersey na isinuot ni NBA legend Michael Jordan sa Game 1 ng 1998 NBA Finals.
Itinuturing kasi na ito na ang pinakahuling kampeonato ni Jordan habang ito ay nasa Chicago Bulls.
Ayon sa Sotheby’s auction house, na ang iconic na pulang Bulls jersey na mayroong numero 23 sa likod ay siyang pangalawang naisuot ni Jordan sa kaniyang anim na kampeonato na ibebenta sa auction.
Karamihan kasi ng mga NBA Finals jersey ni Jordan ay nasa mga pribadong indibidwal haban ang may ilan ay nai-donasyon nito nsa Smithsonian National Museum of African American History and Culture.
Ang nasabing jersey ay unang ididisplay sa publiko sa Monterey, California bago ito ay ilipat sa New York kung saan ang mga fans ay may tsansang makita ito sa online auction mula Setyembre 6-14.
Ang pinakamahal na sports memorabilia na naibenta sa auction ay ang “Hand of God” jersey ni soccer star Diego Maradona na nabili sa halagang $9.3 milyon.
Noong nakaraang mga buwan din ay naibenta ang sneakers ni Jordan sa halagang $1.5-M.