Naibenta sa halagang $10.1 milyon ang basketball jersey na isinuot ni NBA legend Michael Jordan sa Game 1 ng 1998 NBA Finals.
Ayon sa Sotheby’s auction, na iconic red Chicago Bulls jersey na may numerong 23 sa likod ay siyang maituturing ngayon na pinakamahal na game-worn sports memorabilia.
Aabot sa 20 bidder ang nagkainterest na mas doble sa unang iniulat nila.
Nahigitan nito ang “Hands of God” jersey na isinuot ni football legend Diego Maradona na naibenta noong Mayo sa halagang $9.3 milyon.
Ang huling record kasi ng game-worn basketball jersey ay ang autographed jersey ni Kobe Bryant na isinuot noong 1996-97 na nabili sa halagang $3.7 milyon.
Ang Jordan jersey ay siyang pangalawang naisuot ng Bulls star sa kaniyang anim na championship na naibenta sa auction.
Karamihan kasi sa mga Finals jerseys ni Jordan ay nasa pangangalaga na ng mga pribadong tao.
Taong 2001 ng magretiro si Jordan matapos maglaro ng dalawang season sa Washington Wizards.