-- Advertisements --

Inihayag ni Cavite Representative Elpidio Baragza Jr., na nagbunga na ang pagsusumikap ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na mabawasan ang pasanin ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagtulong na mapababa ang presyo ng mga bilihin gaya ng bigas, sibuyas at iba pang pangunahing bilihin.

Ang pinatutungkulan ni Barzaga ay ang resulta ng pinakahuling survey ng OCTA Research group kung saan nakapagtala ng 54 porsyentong satisfaction rating ang Kamara de Representantes.

Sinabi ni Barzaga nakikita na kasi ng publiko ang mga ginagawa ng Kamara para mapabuti ang kalagayan ng sambayang Pilipino.

Sa nasabing survey, siyam na porsyento lamang ang dissatisfied at 36 porsyento ang undecided.

Pinuri ni Barzaga, chairman ng House Committee on Environment and Natural Resources, si Speaker Romualdez sa kanyang magandang trabaho at sinabi na ang puso nito ay nasa tamang lugar.

“Just like in basketball, we already did good in the first half of the game. So now, we will keep and even step up the pace until the end of the race,” sabi pa ng dating alkade ng Dasmariñas City, na isa ring CPA lawyer.

Binigyang-diin ni Barzaga na ipagpapatuloy ng Kamara ang pagpasa ng mga panukala upang maibsan ang kalagayan ng mga mamamayan, partikular ang mga nasa ilalim ng poverty line, habang ang gobyerno ay nagsusumikap na mapabuti ang hinaharap ng bansa at mapalayo ito sa third-world status.