-- Advertisements --
Aabot sa 111 midwives ang binigyan ng trabaho kamakailan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao para pansamantalang tumulong sa mga frontliners sa laban kontra COVID-19.
Kinumpirma ito ni Dr. Saffrullah Dipatuan ngMinistry of Health (MOH) ng BARMM matapos na manumpa ang mga newly hired midwives sa Cotabato City noong nakaraang linggo.
Sinabi ni Dupatuan na pagkatapos ng pandemic ay magsisilbi bilang health workers sa mga barangay ang mga midwives na ito, lalo na sa mga island-provinces ng rehiyon.
Sa 111 newly hired midwives, sinabi ni Dipatuan na 73 dito ay magdedestino sa Maguindanao province, habang 38 naman sa probinsya ng Basilan, at Lamitan City.