-- Advertisements --

Palulubugin ng militar ang lumang barkong made in China bilang bahagi ng Balikatan Exercises 2024 sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Bahagi ito ng isasagawang sinking exercises ng naturang joint exercises kung saan magsisilbing mock target ng lumang barkong BRP Lake Caliraya na isasagawa naman sa bahagi ng Ilocos Norte, malapit sa Taiwan.

Gayunpaman ay nilinaw ni Philippine Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Roy Vincent Trinidad na hindi sinasadya at coincidental lamang ang pagkakamit sa naturang barko na gawa ng China at wala aniya itong iba pang kahulugan.

Una na kasing sinabi ng China na ang aktibidad na ito sa pagitan ng Pilipinas at Amerika ay malinaw na pagpapakita ng provocative intent.

Ngunit ang panibagong tirado na ito ng China ay ipinagkibit balikat lamang ni Philippine Navy Chief Vice Admiral Toribio Adaci Jr.

Ang BRP Lake Caliraya ay ang kauna-unahang motor tanker ng Philippine Navy mula sa isang Philippine National Oil Company na NA-decommission ng ating bansa noong Disyembre 2020.