-- Advertisements --

Mas lalo pang naging agresibo ang barko ng China Coast Guard matapos na sinadyang banggain nito ang barko ng Philippine Coast Guard na BRP Sindangan para harangin ito habang nagsasagawa ng resupply mission sa military outpost ng PH na BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal ngayong umaga ng Biyernes.

Ayon kay PCG spokerperson for the EPS Commodore Jay Tarriela, bunsod ng naturang insidente naharap ang barko ng PCG sa mga mapanganib na maniobra at pagharang ng Chinese Coast Guard vessels at Chinese maritime militia.

Saad pa ni Comm. Tarriela na ang reckless at illegal actions ng Chinese vessels ay humantong sa banggaan ng BRP Sindangan at China Coast Guard 21555 na nagresulta sa minor structural damage sa barko ng PH.

Sinabi naman ng CCG na nagsagawa umano ito ng control measures laban sa barko ng PH na iligal umanong pumasok sa katubigan malapit sa pinagtatalunang Ayungin shoal o Second Thomas shoal.

Una na ngang idineploy ng PCG ang BRP Cabra at BRP Sindangan para suportahan ang rotation at reprovisionuing ng mga tropa ng militar sa naturang kagaratan.

Gayundin, una ng sinabi ng militar na magdadala ito ng mga suplay para sa mga tropang nakaistasyon sa BRP Sierra Madre.