-- Advertisements --

Nasa kustodiya na ng Valenzuela City PNP ang baril ng ginamit sa panunutok sa isang alitan sa trapiko noong Agosto 19 sa Barangay Punturin.

Sinabi ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian, na personal na isinuko ng suspek na si Marlon Malabute ang baril sa PNP.

Kasama ni Malabute na humarap sa alkalde ang abogado nito na si Atty. Alyssa Barquez.

Hindi na sumagot si Malabute at magsasalita na lamang ito sa korte.

Isasailalim sa ballistic examination ang baril sa PNP sa Camp Crame para makita kung nagamit ba ito sa ibang krimen.

Magugunitang sangkot sa Malabute sa panunutok ng baril sa taxi driver na si Herminio “Henry” Daez Ong Jr.

Dahi sa pangyayari ay kinansela ng PNP ang kaniyang firearms permit at pinatawag na rin ito sa Land Transportation Office.