-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nagpapatuloy ngayon ang isinagawang clearing operation sa Sitio Buso-buso, Brgy. Lanca, Mati City matapos gumuho ang bahagi ng nasabing kalsada dahil sa pagbuhos ng malakas na ulan.

Una nito, nahirapan ang mga residente at motorista na dumaan sa nasabing lugar matapos ang pagguho ng lupa.

Agad rin na nagpadala ng mga equipment at mga tauhan ang lungsod ng Mati para makapagsagawa agad ng clearing operation.

Nabatid na karamihan sa mga lugar sa Davao region ang nakaranas ng matinding pag-ulan dahil sa namataan na low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng lungsod.

Pinayuhan rin ngayon ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDDRMO) ang publiko na manatiling alerto para hindi malagay sa delikado ang buhay lalo na kung mararanasan ang malakas na mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Wala namang naitalang casualty matapos ang nasabing insidente.