-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Natukoy na ang mga direct contact at first degree contacts ng pangalawa at pangatlong kaso ng Covid 19 sa Angadanan, Isabela.

Kaagad na tumugon ang mga kawani ng Municipal Health Office at nagsagawa ng contact tracing sa Quarantine Facility ni CV 269 at ni CV 282 sa Brgy. Ingud Norte, Angadanan, Isabela .

Ang mga 1st degree contacts ay strictly under home quarantine at tinapos na ang pag- swab test ng mga direct contacts.

Ang mga specimen ng mga nai-swab ay nadala na sa Tuguegarao City.

Ang mga pasyente ay nasa Southern Isabela Medical Center (SIMC) na at kasalukuyang nagpapagaling.

Isinailalim na rin sa lockdwon ang Brgy. Ingud Norte, Angadanan, Isabela at binigyan na rin ng mga food packs ang mga residente sa nabanggit na lugar .

Mayroong 813 katao sa nabanggit na barangay na may kabuuang 270 households.

Nakatanggap ng food packs kada isang tao at mayroon ding goods kada pamilya.

Hiniling ng LGU Angadanan sa mga mamamayan na manatili sa loob ng kanilang bahay; magsuot ng face mask kung lalabas sa kanilang tahanan at ugaliing maging malinis ang kapaligiran at pangangatawan gayundin ang pagsunod sa social distancing.