-- Advertisements --
Nakuha ng Barangay Ginebra ang kampeonato ng 2022 PBA Commissioner’s Cup matapos na talunin ang Bay Area Dragons 114-99 sa kanilang Game 7.
Mula sa simula ay hindi na pinaporma ng Gin Kings ang kalaban sa harap ng 54,589 fans sa Philippine Arena sa Bulacan.
Ito na ang itinuturing na p inakamahirap na laban ng Ginebra para makuha ang ika-15 na championship title sa kanilang franchise.
Nanguna sa panalo ng Ginebra si Justin Brownlee na nagtala ng 34 points, walong rebounds at 12 assist habang mayroong 18 points at siyam na rebounds si Scottie Thompson.
Naging sulit din ang unang finals ni Jamie Malonzo na mayroong 22 points at 17 rebounds.
Tinanghal naman bilang Finals Mos Valuable Player si Christian Standhardinger.