-- Advertisements --

Umabante sa quarterfinals ng Women’s Beach Volleyball sina Cherry Rondina at Bernadeth Pons kontra sa kanilang katunggali na sina Sakura Ito at Mayu Sawame ng Japan, matapos nilang itala ang straight-set victory sa Round of 16.

Hindi na pinatagal ng tambalan ang kanilang laban matapos magwagi sa dalawang set, sa score na 21-17, 21-15 para tuluyang masungkit ang puwesto sa susunod na round ng torneyo.

Mula sa unang set, ipinakita nina Rondina at Pons ang kanilang kontrol sa laro at pinanatili ang momentum hanggang sa ikalawang set. Sa kabila ng pagtatangka ng kanilang mga katunggali na makabalik sa laban, nanatiling matatag ang tambalan hanggang sa makuha ang panalo.