-- Advertisements --
BOMBO DAGUPAN- Naging matagumpay ang pagdaraos ng Barangay at Sangguniang kabataan elections sa kabila ng nangyaring shooting incident sa bayan ng Aguilar.
Ito ang naging pahayag ni Pangasinan Governor Ramon “Monmon” Guico III.
Magkasamang bumoto ang gobernador kahapon bandang alas-10 ng umaga sina 5th District Congressman Ramon Monching Guico III, at Binalonan Mayor Ramon Ronald V. Guico IV sa Poblacion Binalonan.
Dagdag naman ni Guico, ano man ang maging resulta ng halalan ay kailangang tanggapin at irespeto ito ng mamamayan.
Handa rin aniya siyang maging katrabaho ang mga bagong naihalal na opisyal.