Inirekominda ni House Committee on Economic Affairs vice chairman Ronnie Ong sa pamahalaan ang paglagay ng mga anti-COVID-19 monitoring at helpdesks sa lahat ng barangay sa bansa.
Hanggang sa hindi pa nahahanapat ng gamot ang nakakamatay na virus na ito, mainam ayon kay Ong na maglagay ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases ng COVID-19 Protocol and Monitoring Helpdesks and Testing Centers sa lahat ng barangay sa Pilipinas.
Iginiit ni Ong na sa ganitong paraan ay maiiwasan ang pagkalat pa ng kinakatakutang virus, at maagapan din ang pagtukoy sa sakit sa barangay level pa lamang.
Pero mahigpit ang bilin ng kongresista na dapat may suot na Personal Protective Equipment (PPE) ang mga magmamando sa helpdesks.
Sakali naman available ang mga test kits, maaring sa mga help desk na rin isagawa ang testing sa tulong ng mga health professionals.
Subalit kapag hindi naman, ang maaring gawin talaga ng mga barangay monitoring and helpdesks ay ipatupad ang implementing protocols hanggang sa matapos makapagsagawa ang DOH ng testing.