-- Advertisements --
Patay ang isang katao habang sugatan ang kasamahan nito matapos na sila ay tambangan sa Quezon City.
Naganap ang insidente sa kanto ng EDSA at Timog Avenue ng pasado alas-4 ng hapon nitong Martes, Abirl 28.
Base sa inisyal na imbestigasyon , bigla na lamang hinarangan ng dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo ang puting kotse ng dalawang biktim at sila ay pinagbabaril.
Mabilis na tumakas ang mga hindi kilalang suspek habang nagawang itinakbo pa sa pagamutan ang mga biktima.
Matapos ang ilang oras ay pumanaw ang isa sa mga biktima habang patuloy na nilalapatan sa pagamutan ang isa pang biktima.
Patuloy na inaalam ng mga kapulisan ang pagkakakilanlan ng mga suspek ganun din ang mga motibo ng mga ito.
















