Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bar topnotcher na si Budget Undersecretary Janet Abuel bilang acting secretary ng Department of Budget and Management (DBM).

Pansamantalang uupo sa pwesto si  Abuel matapos italaga ni Pangulong Duterte si Sec. Benjamin Diokno bilang bagong governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kapalit ng namayapang si BSP Governor Nestor Espenilla.

Sinabi ni Diokno, si Abuel ay nagtapos ng Master of Public Administration sa Lee Kwan Yu University sa Singapore at Master of Laws sa University of Sydney sa Australia.

Samantala, nagpapasalamat naman ang Malacañang sa serbisyo ni Sec. Diokno sa DBM.