(C) pageanthology101
Umapela ng karagdagang dasal ang abogadang si Bea Patricia Magtanong para sa sunud-sunod na malakas na lindol na tumatama sa Pilipinas, partikular sa bahagi ng Mindanao.
Pahayag ito ni Atty. Patch kasabay ng pagsapubliko sa kanyang national costume para sa 59th Miss International pageant ngayong taon.
Sa kanyang paglalarawan, nagsisilbing tribute ang kanyang national costume para sa mga Tausug, gayundin para ipakita ang iba’t-ibang gamit ng Malong na mula sa palda, kumot at kahit pa sa mga bagong silang na sanggol.
“My costume is also relevant because of the consecutive destructive earthquakes the past few days in Mindanao which caused great damage to property and a few casualties. The Philippines is no stranger to calamities, but each time is never easy, please pray for my country. 🇵🇭” dagdag nito
Tatangkain ng Bar passer mula Bataan na maibigay sa bansa ang pang-pitong Miss International crown sa darating na November 12 coronation sa Tokyo, Japan.
Noong nakaraang taon ay abot-kamay na ng Quezon beauty na si Maria Ahtisa Manalo sa kanyang pagiging first runner-up, habang wagi naman ang Venezuela na nagkataong birthday.
Isa si Magtanong sa 1,800 na nakapasa sa 2018 Bar Exams na sumabay sa kanyang pageant journey sa 2019 Binibining Pilipinas.
Samantala matapos ang Miss International pageant, dalawa pang major beauty pageant ang aabangan kabilang ang Miss World sa December 14 sa London at ang kumpirmadong Miss Universe coronation sa Atlanta, Georgia, sa December 8 (US time).
Pambato ng Pilipinas sa Miss World ang modelo at anak ni 1979 Miss International Melanie Marquez na si Michelle Dee, habang sa Miss Universe ay ang 23-year-old model din na si Gazini Ganados.