-- Advertisements --

Ipinagpaliban ni US President Donald Trump ang bantang pag-atake sa mga power plants ng Iran matapos ang umano’y productive na pag-uusap ng dalawang bansa, isang pahayag na mariin namang pinabulaanan ng Tehran.

Ayon kay Trump, nagkaroon ng negosasyon ang US at Iran para sa complete at total resolution ng mga hostilities sa Middle East.

Dahil dito, pinigil niya ang naunang 48-oras na deadline na ibinigay noong Sabado kung saan binalaan niyang i-obliterate ang mga pasilidad ng Iran kung hindi muling bubuksan ang Strait of Hormuz.

Bunsod ng anunsyo, agad na bumagsak ang presyo ng oil and gas sa pandaigdigang merkado.

Bago ito, nagkausap din sina Trump at UK Prime Minister Keir Starmer kung saan iginiit nilang ang pagbubukas ng nasabing kipot ay mahalaga sa muling pagbabalik sa normal ng global shipping.

Sa kabila ng mga pahayag ni Trump, idiniin ng isang hindi na pinangalanang source mula sa isang Iranian news agency na walang naganap na direktang pag-uusap sa pagitan nina Trump at ng Tehran.