-- Advertisements --
ASEAN Summit: Marcos, Vietnam PM agree to boost trade, security ties

Nangako ang Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa lider ng Vietnam na sinasabi niyang mahalang partner para masiguro ang food security sa bansa.

Ito ang naging pahayag ng Pangulong Marcos sa bilateral meeting kasama ang Vietnamese Prime Minister na si Pham Minh Chinh sa sidelines ng 40th at 41st Association of Southeast Asian Nations (Asean) Summit at Related Summits sa Phnom Penh, Cambodia.

Ayon sa Pangulong Marcos, ang Vietnam ay mayroong 90 percent sa rice imports ng Pilipinas.

Sinabi rin ng Pangulo kay Chinh na looking forward ito sa pakikipagtrabaho sa Vietnam at magkaroon ng mas maraming engagement para sa pagpapaganda ng relasyon sa agriculture at iba pang areas gaya ng trade, investment, defense at maritime security.

Welcome din sa Pangulong Marcos ang pagtaas ng total trade sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam pero ipinunto rin nito ang ilang trade imbalance sa pagitan ng dalawang bansa.

Nagpahayag din ito ng pag-asa na ang Vietnam ay tutulong sa Pilipinas sa paglutas sa ganitong problema.

Kung maalala, muling inestablish ng Pilipinas ang Philippine Trade and Investment Center sa Ho Chi Minh.

Dahil dito, asahan daw na sa pamamagitan ng naturang center ay mapalakas pa ang economic relasyo ng Pilipinas at Vietnam.

Binigyang diin ni Marcos na ang patuloy na dayalogo sa naturang bansa ay magiging beneficial kabilang na ang intelligence at strategies at ang pamamahagi ng mga imporasyon para sa maritime concerns.

Sa panig naman ni Chinh, nagpahayag din ito nang kanyang kagustuhang makatrabaho ang Pilipinas para masolusyunan ang maritime issues partikular ana ang illegal fishing at balancing trade.

Ipinunto rin nito ang kahalagahan ng mga bagong approaches para sa pagtugon sa mga kasalukuyang pagsubok at nanawagan sa pagsunod sa Declaration on the Conduct of Parties sa West Philippine Sea.

Pinuri rin ng Vietnamese leader si Pangulong Marcos dahil sa epektibong tugon ng Pilipinas sa Coronavirus disease 2019 at aang pag-abot sa isa sa mga pinakamataas na gross domestic product (GDP) growth rates sa Asya.

Kung maalala, dahil sa pagluluwag ng bansa sa mga quarantine protocols ay nakapagtala ang bansa ng GDP growth na 7.6 percent sa kabila ng mataas an inflation environment ayon sa Philippine Statistics Authority.