-- Advertisements --

Patuloy na nagiging maayos at malakas ang financial system ng bansa sa unang anim na buwan ng 2023.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, na lumakas ang mga banko na sumusuporta sa mga domestic economy na nagbibigay ng sapat na serbisyo at produkto sa mga mamamayan.

Mula Enero hanggang Hunyo ay mayroong 9.1 percent o katumbas ng P23.4 trillion ang paglago ng assets ng mga bangko sa bansa.

Ito ay mataas ng halos kalahati noong parehas na buwan noong 2022 na mayroong P12.3 trillion lamang.

Ang pagtaas sa 7.8 percent sa mga deposits ang siyang nagpataas ng assets.

Paglilinaw ng BSP na mas mabagal naman ito ng 11 percent kumpara noong pre-pandemic.

Naniniwala ang BSP na magiging matibay pa ang banking system hanggang sa katapusan ng taon.