-- Advertisements --

Bumalangkas na ng mga plano at rekomendasyon ang Bankers Association of the Philippines para mabilis na makakabangon ang banking sector sa impact ng enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.

Ayon kay association president Cezar Consing, naka-monitor sila sa epekto ng crisis at nagbigay na ng ilang rekomendasyon para manatiling masigla ang industriya.

Kabilang na rito ang mabilis at makatwiran lamang na pagpapataw ng tubo sa mga ipinapautang.

Dapat na bukas ang online service at ang mga sangay ng bangko para sa hindi makapagproseso ng digital transactions.

Kailangan ding may sapat na cash sa ATM units para sa withdrawals ng mga kliyente.

Habang mahalaga rin aniyang tumulong sa pagpapalakas ng financial market para mapanatili ang katatagan ng ating ekonomiya sa gitna ng krisis.