-- Advertisements --

Maituturing na record-breaking ang Bangus Festival ng Dagupan City, kung saan mahigit 600,000 katao ang lumahok sa taunang festival ng siyudad.

Ibinibida sa nasabing aktibidad ang mga kilalang mga produkto ng isda at iba pang produkto ng siyudad.

Nagtapos ang festival sa pamamagitan ng Kalutan ed Dalan Bangus Street Party na tinaguriang isa sa pinakalamaking event sa buong bansa.

Magugunita na nagsimula ang festivities sa paglulunsad ng Department of Interior and Local Government’s (DILG) Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Fun Run, kung saan nasa 12,000 katao ang lumahok.

Habang si Senator Imee Marcos ay binisita ang ang Kadiwa ng Pangulo trade fair na inorganisa ng Department of Labor and Employment, Department of Trade and Industry, sa pakikipag tulungan ng local government units ng Ilocos Sur at Dagupan City.

Batay sa ulat, kumita ang Kadiwa ng Pangulo ng nasa P571,069.00 sa apat na araw na event.

Sa main event naman ng festival’s tinatayang nasa 20,000 bangus ang niluto habang mahigit 1,000 ang inihaw na nakalinya sa Jose De Venecia Highway para sa Kalutan ed Dalan Bangusan Street Party.

Ilang mga matataas na opisyal ng pamahalaan at mga kilalang personalidad ang dumalo sa event na kinabibilangan ng mga sumusunod: Pangasinan 4th District Representative Christopher de Venecia, Former Congresswoman Gina de Venecia, DILG Secretary Benhur Abalos, Department of Health Assistant Secretary Eric Tayag, Senator Francis Tolentino, Dean of the Diplomatic Corps, Papal Nuncio to the Philippines His Excellency Archbishop Charles John Brown, Archbishop Socrates Villegas, local government unit (LGU) officials, at iba pang mga diplomats.

Sa panig naman ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez, nagpasalamat ito kay Secretary Abalos sa pag-apruba ng kaniyang request na magsagawa ng BIDA Fun Run in Dagupan na nilahukan ng mga college at high school students.

“We are very proud of this year’s Bangus Festival, as we leveled-up and set new standards in terms of organization, attendance, engagement, and festivities. This is the first time in the history of Dagupan that we had several events in one day to showcase the city’s community spirit, support for local businesses, health and safety initiatives, and of course, our vibrant culture,” pahayag ni Mayor Fernandez.

Inihayag naman ni Fernandez na ang street party ng festival ay isang pagkakataon din para sa mga lokal na negosyante na i-promote ang kanilang mga produkto at serbisyo.

Ang mga natitinda ay naka hilera sa kalye kung saan ipinapakita ang kanilang mga produkto mula sa inihaw na bangus hanggang sa mga souvenir, handicraft, at damit.

Nagpasalamat si Mayor Fernandez sa mga otoridad na epektibong ginampanan ang kanilang trabaho dahil kapansin-pansin na walang kahit isang kaswalti o pagkagambala ang naganap.

Sa katunayan, ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng dumalo sa pagdiriwang ay isang pangunahing priyoridad para sa mga organizers, kung saan ang Alkalde ay personal na nangangasiwa sa deployment ng mahigit 450 pulis, at maraming naka-standby na mga medikal na yunit.

Nakipagtulungan din ang local government unit sa mga traffic enforcer para maibsan ang pagsisikip, sa kabila ng maraming tao at pagsasara ng kalsada.

“The Dagupan City LGU is thankful for the participation of every Dagupeño, tourist, and our beloved guests who showed up throughout the festival. Your presence and support made this year’s festival an unprecedented success. We look forward to welcoming you back next year for another unforgettable festival experience,” pahayag ni Mayor Fernandez.