Opisyal nang nagpulong o nag-convene para sa inaugural session ang mga bagong talagang miyembro ng Bangsamoro Transition Authority (BTA).
Nagkaroon din sila ng election ng mga bagong set ng officers ng parliament sa Cotabato City.
Nahalal bilang speaker of the parliament si Atty. Pangalian Balindong.
Kabilang sa iba pang mga inihalal ay deputy speakers, majority leader, secretary general at sergeant at arms.
Ayon kay Balindong, hindi sila puwedeng mabigo dahil nagdusa na nang matindi ang kanilang mga kababayan.
Sa pamamagitan lamang aniya ng kanilang pagkakaisa mababayaran ang sakripisyo ng kanilang mga kapatid na Muslim para lamang makamit ang pangaral nila ng kapayapaan, progreso at karapatan para sa self determination.
Habang nasa transition, mandato ng BTA na magsabatas ng priority legislation kabilang ang Bangsamoro Administrative Code, Bangsamoro Revenue Code, Bangsamoro Electoral Code, Bangsamoro Local Governance Code, Bangsamoro Education Code at Bangsamoro Civil Service Code.
Sa pitong priority codes, aprubado na ang administrative, civil service at education code.