CENTRAL MINDANAO – Nagkakahalaga ng P155 milyon ang inilaan na pondo ng BARMM Office of the Chief Minister sa lahat na mga local government unit (LGU) sa rehiyon.
Layunin nito na mapalakas pa ang programa sa paglaban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ang mga lalawigan ng Tawi-Tawi, Sulu, Basilan, Lanao del Sur at Maguindanao ay tatanggap ng tig-P5000,000 samantalang P2 million naman ang mga lungsod Cotabato at Lamitan City sa Basilan.
Walong milyong piso para naman sa 63 na barangay sa probinsya ng Cotabato na sakop na ngayon ng BARMM.
Tatanggap naman isang milyong piso ang 116 bayan sakop ng limang lalawigan sa BARMM.
Nilinaw ni MILG minister Attorney Naguib Sinarimbo na walang dapat ipangamba ang 116 bayan sa BARMM dahil agad itong ida-download ang pondo sa bawat LGU.