-- Advertisements --

Binawasan ng Bangladesh government ang oras ng mga opisina at isinara ang mga paaralan para makatipid ng kuryente.

Ang nasabing hakbang ay isang paraan ng pinalawig na pagtitipid ng kuryente dahil sa kakapusan ng kuryente.

Noong nakaraang buwan kasi ay sinimulan na nila ang dalawang-oras na pagpatay ng kuryente.

Ayon kay Bangladesh Cabinet Secretary Khandker Anwarul Islam na ang mga paaralan na unang isinasara tuwing Biyernes ay magiging sarado na rin ng hanggang Sabado.

Ang mga negosyo at mga opisina ay mag-ooperate lamang ng hanggang pitong oras.

Tutulungan naman ng gobyerno ang mga magsasaka na magbigay ng suplay ng kuryente sa madaling araw para sa irigasyon ng mga pananim.

Isa sa dahilan ng pagmamahal ng langis sa Bangladesh ay ang patuloy na kaguluhan sa Ukraine at Russia.

Maraming mga mamamayan ng Bangladesh ang nagsagawa ng kilos protesta dahil sa pagtaas ng presyo ng produktong langis na tumaas ng hanggang 50 porsyento.