SUMMIT BANK
Summit bank/ Bombo La Union image

(Update) LA UNION – Hindi pa rin natutukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga nagnakaw ng halos P1-milyong cash ng Summit Bank sa Brgy. Central East, bayan ng Bauang, La Union.

Base sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng Bauang Police, nabatid mula sa pamunuan ng bangko ay wala umanong naka-duty na security guard at patay din ang CCTV camera ng gusali sa tuwing magsasara ito ng gabi.

Sa araw lamang umano nakaduty ang guwardya sa naturang bangko.

Lumalabas din sa pagsisiyasat ng pulisya na maaaring sinira ng mga salarin ang alarm ng bangko kaya hindi rin ito gumana habang ninanakawan.

Samantala, isinasailalim rin ng mga police investigators sa pagsusuri ang mga narekobreng bagay na ginamit umano ng “termite gang” na maaaring magsibling ebidensya laban sa mga ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here