nilipad na patungong Metro Manila ang labi ng pinugutang German kidnap victim na si Juergen Kantner mula sa probinsiya ng Sulu.

Ayon kay Wesmincom Spokesperson Capt. Joan Petinglay, alas-12:00 ng tanghali kanina nang ilipad ang labi ni Kantner sakay sa C-130 cargo plane ng Philippine Air Force.

Sinabi ni Petinglay na may mga inasikaso pa kasing mga dokumento kaya ngayon lamang nailipad patungong Maynila ang labi ng kidnap victim.

Iti-turn over aniya ang mga labi ni kantner sa DFA at ito na ang bahalang mag turn over sa German embassy.

Pahayag ni Petinglay na hindi nila batid ang usapan ng DFA at German embassy hinggil sa disposisyon sa labi ni Kantner.

Nitong sabado ay natagpuan ng militar ang bangkay ni Kantner.