Papanagutin ng mga otoridad ang mga rebeldeng New People’s Army o NPA na responsable sa brutal na pagpatay sa limang mga lalaki.
Ito’y matapos mahukay ng mga sudalo at pulisya kahapon ang kanilang bangkay na pinag-isa lang ng libingan sa bukiring bahagi ng Sitio Baraboto, Brgy Curva, sa bayan ng Santiago, Agusan del Norte.
Nakilala ang mga biktima na sina Ruel Macuray; Jason Macuray; Marlon Macuray, Leomar Iligan ug Rommel Qulliano, parehong residente sa Sitio Gacob, Barangay Hinapuyan sa bayan ng Carmen, Surigao del Sur.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Col Cresencion Gargar, commander ng 29th Infantry Battalion, Philippine Army, na natunton ang mass grave matapos itong ibulgar ng isang rebel surrenderee na saksi sa pangyayari.
Base sa salaysay ng informant, hinuli umano ang lima nang nangunguha ang mga ito ng Agar wood upang may pangkunsumo sa kanilang pamilya.
Ayon sa opisyal, ang ginawa umano ng mga rebelde ay malinaw na ebidensya sa kanilang pagka-terorista na dapat lang na kanilang pananagutan.