-- Advertisements --
KALIBO, Aklan – Wala nang buhay nang natagpuan ng mga residente ang bangkay ng isang 38-anyos na lalaki sa baybaying sakop ng Barangay Unidos, Nabas, Aklan.
Agad itong ipinagbigay-alam sa mga pulis at rescue teams ng naturang bayan.
Base sa report, ang biktimang si Michael Francisco ay naunang napabalitang umano’y nahulog sa tulay ng Barangay Tagororoc Sabado ng gabi.
Sinubukang hanapin agad ang biktima ngunit hindi ito nakita.
Nabatid na habang pauwi ang biktima kasama ang kanyang kapatid na si Anecito Francisco ay bigla itong nahulog sa tulay dahil sa kalasingan.
Samantala, muling nagpaalala ang mga awtoridad, na maging mas maingat lalo na kung lango sa alak.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente.