-- Advertisements --
CAUAYAN CITY – Patay na nang matagpuan ang isang lalaki sa ilog Apawan sa Sumadel, Tadian, Mt. Province.
Ang lalaki ay nakilala na si John Duclan, 57-anyos at residente ng nasabing bayan.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nakatanggap ng tawag ang Tadian Municipal Police Station ukol sa nakitang palutang-lutang na lalaki sa ilog.
Batay sa pagsisiyasat, may pinsala sa ulo ang biktima at sa ngayon ay patuloy ang imbestigasyon kung ano ang posibleng ikinamatay nito.