Reading Time: 1 minute

TACLOBAN CITY – Isang bangkay ng lalaki ang nakitang lumututang sa Loom River sa Borongan City sa Eastern Samar.

Kinilala ang biktima na si Mark Jerry Boque, 22, binata, nagtratrabaho sa isang water refilling station sa naturang syudad at residente ng Brgy. Bugas, Borongan.

Ayon kay Lt. Nicanor Paracale, deputy officer ng Borongan City PNP, dahil sa sobrang kalasingan ay posibleng nahulog at naanod ito sa naturang ilog.

Sinabi pa ng kainuman nanagpaalam lang ang naturang lalaki na iihi pero hindi na ito bumalik.

Wala namang nakikitang foul play ang mga otoridad sa naturang insidente.