Reading Time: 1 minute
ALABAMA MURDER 2
Marka “Willoe” Watkins

Narekober na ang nawawalang katawan ng isang babae sa Alabama matapos makatanggap ang mga otoridad ng report patungkol sa biglaang pagkawala nito.

Natagpuan ang bangkay ng 20-anyos sa loob ng isang balon. Kinilala ang biktima na si Marka “Willoe” Watkins na nakatira sa Tuscaloosa, Alabama.

Kaagad namang nahuli ng mga pulis ang dalawang hinihinalang suspek sa pagkamatay ng biktima.

Noong Hunyo 15 nang nang magsumbong sa mga otoridad ang lola ni Watkins patungkol sa pagkawala nito.

Kinilala naman ang mga suspek na sina Kendal Tyler Battles, 29 at Joseph Brandon Nevels, 20, kapwa kinasuhan ng pang-aabuso.

Ayon kay Tuscaloosa Country Violent Crimes Unit assistant commander Capt. Kip Hart, naniniwala umano sila na nasa bahay ng isa sa mga suspek si Watking nang maganap ang pagpatay.

“The suspects then drove her to the address on Will Walker Lane to dispose of the body.” wika ni Hart.

Naniniwala rin ang mga imbestigador na sa oras nang pagkawala ng biktima ay saka isinagawa ang karumal-dumal na pagpatay.

Nananawagan naman ng hustisya ang pinsan ng biktima na si Lori Hudgins. Pag-amin nito na hindi naging madali ang buhay na dinanas ng kaniyang pinsan at hindi nito lubos maisip na hahantong lamang sa ganito ang buhay ng kaniyang kapamilya.