Tunisia
Tunis

Aabot sa 50 mga migrants ang pinangangambahang patay matapos ang pagtaob ng kanilang sinakyang bangka sa karagatang bahagi ng Tunisia.

Ayon sa United Nation International Organization for Migration mayroong 16 na iba pa ang nakaligtas.

Mula sa Zuwara, Libya ang bangka at ito ay tumaob 74 km ng Tunis.

Sinasabing galing sa sub-Saharan Africa ang mga biktima.