Maritime Group 2nd Special Operations Unit
-- Advertisements --

Atrasado ang naging pagdating ng mga bibilanging balota para sa plebisito sa paghahati sa tatlo ng lalawigan ng Palawan.

Nangyari ito makaraang magkaaberya ang sinasakyang bangka ng 26 na guro at board of canvassers na may dala ng mga ballot box.

Ayon sa Maritime Group 2nd Special Operations Unit, natanggal ang timon o rudder blade ng bangka habang nasa gitna ng dagat, kaya kinailangang i-rescue ang mga pasahero.

Nabatid na para sa bayan ng Taytay ang mga laman ng ballot boxes na naantala, kaya hindi agad nabilang ang mga iyon.