-- Advertisements --

Ipinagbawal sa Australian Open tennis ang pag-display ng watawat ng Russia at Belarus.

Ito ang naging hakbang ng organizers ng Australian Open matapos na magsumbong ang ambassador ng Ukraine ng makita ang bandila ang Russia at Belarus.

Pinayagan lamang maglaro sa torneo ang mga Russian at Belarus tennis player basta gamit lamang nila ang neutral flags bilang independents.

Nagsimula ang nasabing ban mula ng lusubin ng Russia ang Ukraine.

Ikinagalit naman ng Russia ang hakbang at tinawag nito na isang hindi katanggap-katanggap na pamumulitika sa sports.