-- Advertisements --

Mananatili pa rin ang ban sa mga karne ng manok na galing sa bansang Brazil.

Ayon sa Department of Agriculture, hinihintay pa ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang kautusan mula sa Ministry of Agriculture, Livestock and Supply (MAPA).

Sinabi naman ni DA-BAI Director Ronnie Domingo, sumulat na sila sa Brazil Ministry of Agriculture, Livestock and Supply (MAPA) chief veterinary officer Dr. Geraldo Marcos de Moraes para kumpirmahin na ligtas na ang nasabing mga karne ng manok nila.

Magugunitang pinagbawalan ng DA ang pagpasok ng mga manok mula sa Brazil matapos na makitaan ng traces ng COVID-19.

Itinuturing kasi ang Brazil bilang pangalawa sa may pinakamatinding tinamaan ng COVID-19 sa buong mundo.