Patay sa ambush ang bise alkalde ng bayan ng Baliguian, Zamboanga del Norte matapos tambangan sa bayan ng Siocon.

Batay sa ulat, kasamang nasawi ni Vice Mayor Gani A. Esmali ang dalawang iba pa pasado alas-11:30 nitong Sabado ng umaga.

Sinasabing dalawang riding in tandem suspects ang nagpaputok sa kotse kung saan nakasakay si Esmali kasama ang kanyang escort na si Police Corporal Godelito Bongcac.

Agad naman daw naisugod sa Siocon District Hospital ang mga biktima.

(Refresh for updates)

-- Advertisement --