-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi mag-aatubili si incoming PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) Director General Wilkins Villanueva na sibakin ang mga non-performing na regional directors nito.

Ito’y kung mahina o kulelat ang performance nila kaugnay sa pinalakas na anti-drugs war ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Babala ito ng outgoing PDEA regional director ng Northern Mindanao na si Villanueva na itinalaga ni Duterte bilang bagong pinuno matapos inilipat sa ibang ahensiya si outgoing Director General Aaron Aquino na mayroong kaugnayan pa rin sa kampanya laban sa illegal nga droga.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Villanueva na kung impresibo naman ang performance ng mga kasamahan nito sa rehiyon ay ipapatupad niya ang “status quo.”

Inihayag ng bagong pinuno ng ahensiya na mismong siya ang mag-aabot kamay sa kanyang mga nasasakupan sa ibaba dahil batid nito ang sobrang hirap bilang regional director na inaatasan na makipag-digmaan laban sa illegal drugs problem sa bansa.