Pinaiimbestigahan ngayon ng Department of Health (DOH) ang ilang mga isyu na napapabalita hinggil sa bakunahan ng ikalawang booster shot laban sa COVID-19.
Ito ay matapos na makatanggap ng ulat ang kagawaran na may ilang mga ospital sa Metro Manila ang nagtuturok na ng booster shot sa mga health care workers at senior citizens na hindi naman immunocompromised.
Sa isang pahayag ay sinabi ng DOH na ipinaliwanag ng mga hospital management na hindi na nagkamali sila ng pagkakaintindi sa inilabas na guidelines ng ahensya ukol dito.
Batay kasi sa inamyendahang emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA) ay maaaring bakunahan ng second booster ang mga indibidwal na immunocompromised, senior citizen, at frontline medical workers.
Ngunit salungat dito, tanging ang mga immunocompromised na mga indibidwal lamang pala ang inapubrahan ng DOH na mabigyan ng ikalawang booster vaccine na hango naman sa naging rekomendasyon ng Health Technology Assessment Counsil (HTAC).
Kasalukuyan pa rin kasing sinusuri ng HTAC ang pagbabakuna ng nito sa mga matatanda at healthcare worker.
Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan na sa mga relevant health car facilities at vaccination sites ang DOH katuwang ang National VAccination Operations Center (NVOC) upang matiyak na hindi na muling mauulit ang ganitong klaseng mga pagkakamali.
Samantala, patuloy naman na hinikayat ng kagawaran ang mga kababayan nating kabilang sa naturang eligible population na magpabakuna na laban sa nasabing nakamamatay na sakit.
Muling tiniyak nito na ligtas at epektibo ito laban sa mga nasabing virus.