Patuloy ngayon ang isinasagawa ng Bureau of Animal Industry (BAI) at National Meat Inspection Service (NMIS) na monitoring sa mga Coronavirus disease 2019 (COVID-19) related outbreaks sa mga foreign meat establishments (FMEs).
Kasunod ito nang pansamantalang pag-ban ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng poultry meat products mula Brazil.
Sa isang statement, pinirmahan daw ni Agriculture Secretary William Dar ang isang memorandum base na rin sa Sec. 10 ng Republic Act 10611 o ang Food Safety Act of 2013.
Kasunod na rin ito ng mga lumabas na report sa China na ilan sa mga sample ng karneng manok mula sa bansang Brazil ang nagpositibo sa COVID-19.
Kabilang daw sa mga nagpositibo sa virus ang sample ng frozen chicken wings na galing sa South American country na inmport sa Shenzen sa China
Sa latest data mula sa World Health Organization (WHO) sa ngayon papalo na sa mahigit 3,164,785 ang COVID-19 cases sa Brazil at 104,201 naman ang namatay.