-- Advertisements --

Nakapagtala na ang 31 probinsya sa bansa ng kaso ng African swine fever, ayon sa Bureau of Animal Industry,

Paglilinaw ni Dr. Ronnie Domingo, director ng Bureau of Animal Industry, na kalat-kalat ang mga lugar na tinatamaan ng ASF.

Batay sa kanilang datos ay pinaka-malaking naapektuhan ng nasabing virus ang probinsya ng Bulacan dahil maraming nagbebenta ng baboy sa lugar.

Nananatili namang ASF-free ang Mindanao.

Posibleng kumalat ang sakit sa mga binebentang infected na mga baboy o processed meat products.

Dagdag pa ni Domingo na may mga lugar na nagbawas ng kanilang supply ng baboy para sa nalalapit na holiday season.

Sinigurado naman nito na may mga rehiyon, tulad ng Visayas at Mindanao, ang maaaring mag-supply ng baboy sa Metro Manila kung sakaling kulangin ito.